BANSANG IRAN, ITINANGGING MAY KINALAMAN SA ASSASSINATION PLOT KAY DONALD TRUMP 

 

CAUAYAN CITY – Itinanggi ng bansang Iran ang akusasyong sangkot ito sa nangyaring “assassination plot” kay Former U.S president Donald Trump.

 

Matatandaan na noong ika-13 ng Hulyo ay isang shooting incident ang nangyari sa campaign rally ni Trump kung saan ay tinamaan ito sa kanyang tenga at dinala sa pagamutan.

 

Sa pahayag ni Foreign Ministry Spokesman Nasser Kanaani, mariin niyang itinanggi ang anumang partisipasyon sa nangyaring insidente, bagkus ay desidido ang bansang Iran na magsampa ng kaso laban kay Trump dahil sa pagkasawi ni Martyr General Qassem Soleimani.


 

Si Soleimani ay commander ng Iranian Islamic Revolutionary Guard Corps’ Quds Force na nasawi dahil sa drone attack ng U.S. noong taong 2010.

Facebook Comments