Manila, Philippines – Nagbabala ang grupong PISTON na muli silang
magsasagawa ng malaking transport strike.
Ito ay sa banta ng gobyerno na magsampa ng panibagong kaso laban kay PISTON
President George San Mateo at ipatawag ang mga tsuper at operator na sumali
sa tigil-pasada.
Una nang sinuspendi kahapon ang klase sa mga lugar kung saan sumentro ang
mga protesta.
Sinuspende rin ng Malacañang bandang alas-2 ng hapon ang klase sa lahat ng
antas sa buong Metro Manila.
Iginiit din ng Malacañang na handa itong suspendehin muli ang pasok sa mga
susunod na araw kapag ipinagpatuloy ng ilang transport group ang kanilang
protesta.
Facebook Comments