BANTA | Jomar Canlas, muling nakatanggap ng death threat

Manila, Philippines – Muling nakatanggap ng death threat ang reporter na tumestigo sa impeachment proceedings laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Si Jomar Canlas, senior reporter ng pahayagang The Manila Times, ay nakatanggap ng pagbabanta sa pamamagitan ng text message noong Huwebes, January 18, 2018.

Nakasaad sa text na dalawang beses ipinadala ang mensaheng: Dapat December pa lang wala ka na sa mundo, kaya lang Pasko! Lahat nang lakad mo alam namin! Malapit ka na, magdasal ka na hayop ka!


Kaugnay nito, muling dumulog si Canlas sa Manila Police District para pormal na ipaabot sa pulisya ang panibagong pagbabanta sa kanyang buhay.

December 1, 2017 nang una nang nakatanggap ng death threat si Canlas matapos ang kanyang pagharap sa Sereno impeachment proceedings sa House Justice Committee.

Facebook Comments