BANTA | Lawak ng koneksyon ng naarestong miyembro ng Hamas Terrorist Group, inaalam na ng PNP

Manila, Philippines – Inaalam na ng PNP ang lawak ng koneksyon ng naarestong Iraqi national sa Pampanga na pinaniniwalaang miyembro ng Hamas Terrorist Group.

Nabatid na dumating sa bansa si Taha Mohammed Al Jabouri sa kasagsagan ng Asean Summit at Marawi Siege.

Ayon kay PNP Chief Ronald Dela Rosa, wala pang kasong naisasampa kay Taha Mohammed Al Jabouri na may kaugnayan sa terorismo.


Sa ngayon, tanging paglabag sa travel documents ang kinahaharap niyang reklamo dahil sa paggamit ng expired visa.

Nakikipag-ugnayan na rin ang PNP sa Bureau of Immigration at sa Iraqi Embassy sa bansa para sa kaukulang disposisyon kay La-Jabouri.

Facebook Comments