BANTA | Malawakang kilos protesta, ibinabala kapag hindi napirmahan ng Pangulo EO sa kontrakwalisasyon

Manila, Philippines – Nagbanta si Federation of Free Workers President Sonny Matula na magsasagawa ang kanilang grupo ng malawakang kilos protesta kapag hindi pinirmahan ni pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order tungkol sa kontrakwalisasyon sa mga manggagawa.

Ayon kay Matula, tatlong beses umano silang kinausap ni Pangulong Duterte ng tatlong beses tungkol sa kontrakwaliasyon at pinangakuan na tutuldukan na ENDO upang mabigyan ng Security of Tenure ang mga manggagawang Pinoy sa bansa.

Naniniwala si matula na ang kasulukuyang panuntunan na inisyu ni Labor Secretary Silvestre Bello III na, “Labor only” contracting ay talagang ipinagbabawal sapamamagitan ng jurisprudence (Purefoood vs NLRC) and D.O. 174 series of 2017.


Umaasa si Matula na pipirmahan ni pangulong Duterte ang Executive Order tungkol sa kontrakwalisasyon bago mag Mayo a uno Labor Day dahil sa ipinangako nito sa kanyang kampanya na tatapusin na ang kontrakwalisasyon sa bansa.

Facebook Comments