BANTA | Mga mining companies na mapatutunayang nagbibigay ng mga explosives sa NPA, ipasasara ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department
of Environment and Natural Resources o DENR na kanselahin ang license
permit ng mga mining companies na nagsusupply ng mga pampasabog sa
communist terrorist groups.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, ang atas ng Pangulo
ay sa naganap na special meeting kagabi ng National Security Council
Executive Committee sa Malacanang na natapos kaninang 3 ng madaling araw.

Sinabi ni Roque na gusto ng Pangulo na matunton ang mga mining companies na
nagbibigay ng explosives o pampasabog sa New People’s Army at mapanagot ang
mga ito.


Patatanggal din naman aniya serbisyo ni Pangulong Duterte ang mga miyembro
ng Militar at ng Philippine National Police na mapatutunayang nagsusupply
ng pampasabog sa teroristang NPA.

Pinag-usapan din naman aniya sa nasabing pulong ang pagpapalakas ng
seguridad sa mga paliparan pantalan at terminals laban sa terorismo.

Tinalakay din aniya ang mga hakbang na dapat gawin upang masecure at
madegelop ang Philippine Rise.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments