Manila, Philippines – Bukod sa peligrong dulot sa mga residente ng pagputok ng bulkang Mayon, namemeligro na rin ngayon ang suplay ng kuryente sa Albay.
Nabatid na kapag kumapal ang abong nakabalot sa mga linya ng kuyente at naging putok, posible itong magdulot ng power tripping.
Noong nakaraang linggo, nilinis ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang mga linya ng kuryenteng nabalot ng abo dahil sa posibilidad na magkaroon ng malawakang brownout kapag hindi ito inasikaso.
Una nang sinabi ni Energy Secretary Alfonso Cusi na wala pang problema sa kuryente dahil ang mga planta sa Bicol ay ligtas sa ngitngit sa Mayon.
Sa kabila nito, nais ni Cusi na maghanda ang mga pasilidad ng kuryente sakaling magkaroon ng aberya.
Facebook Comments