Naniniwala si Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones na mababa ang tiyansa ng hawaan ng COVID-19 sa mga eskwelahan kumpara sa loob ng mga bahay.
Ito ang inihayag ng kalihim kasabay ng napipintong pagsasagawa ng dry-run ng face-to-face classes sa susunod na buwan.
Ayon kay Briones, lumalabas sa mga pag-aaral na mababa ang banta ng COVID-19 sa mga eskwelahan.
Malaki aniya ang posibilidad na magkaroon ng hawaan sa mga bahay dahil mas maraming oras nananatili ang mga miyembro ng pamilya sa kanilang mga tahanan.
Malaki ang papel na gagampanan ng mga magulang sa dry-run dahil kailangan nilang bantayan ang kanilang mga anak para maiwasan ang COVID-19 infections.
Facebook Comments