Banta ng giyera ni MILF Chairman Nur Misuari hindi blackmail ayon sa Malacanang. 

Hindi itinuturing na blackmail ng Palasyo ng Malacanang ang binanggit ni Moro National Liberation Front Founding Chairman Nur Misuari kay Pangulong Rodrigo Duterte na kung hindi maipapatupad ang Federalismo ay handa siyang makipag giyera sa pamahalaan.

Matatandaan kasi na kagabi ay ibinuniyag ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati na nakapulong nito si Misuari kamakailan kung saan ay napagusapan nila ang Federalismo at nagbanta nga aniya ito ng giyera kung hindi matutupad ng Pangulo ang kanyang pangako na Federalismo.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, hindi nila maituturing na blackmail ang binanggit ni Misuari kay Pangulong Duterte kundi paglalabas lamang ng kanayng saloobin.


Kaniya ung tutuusin aniya ay advantage pa ito ng Gobyerno dahil alam na ng Pangulo ang plano ni Misuari.

Facebook Comments