Hinimok ni Senate President pro tempore Loren Legarda na aksyunan ng gobyerno sa parehong local at international level ang “global boiling” na nararanasan ngayon sa bansa.
Tinukoy ni Legarda na ang pinakahuling report kung saan pumalo sa 45°C ang heat index ay maituturing nang “planet in crisis.”
Ilang taon na rin aniyang humaharap ang buong mundo sa krisis at ngayon aniya ay nararanasan natin ang panahon na matatawag na “global boiling.”
Bunsod nito ay hiniling ni Legarda na iprayoridad ang mga sustainable practice, mag-invest sa renewable energy sources, water security, sustainable at circular livelihoods at magpatupad ng mga polisiya na kokontrol at mag-a-adapt sa mapaminsalang epekto ng climate change.
Dagdag pa ni Legarda, hindi na simpleng global warming ang nangyayari at ang nararanasan ngayon ay epekto ng mga naging aksyon ng mga tao kaya dapat lang na mabilis na tugunan ang problemang ito.