Malaki ang posilidad ng pagdaloy pa ng lahar mula sa Bulkang Kanlaon sa Negros Island.
Ayon sa PHIVOLCS, base sa ulat ng PAGASA ay may mga banta pa ng mga pag-ulan sa lalawigan dulot ng southwest monsoon at localized thunderstorms.
Paliwanag pa ng PHIVOLCSmaaaring magdulot ito ng paminsan-minsang malakas na pag-ulan sa Negros Island na aabutin sa loob ng ilang buwan.
Ang mga pag-ulan na ito ay maaaring magdulot ng lahar flows mula sa dalisdis ng bulkan at dadaloy sa mga ilog sa Southern Kanlaon.
Partikular na rito sa mga lugar na dinaanan na ng lahar flows sa nakalipas na tatlong araw.
Dahil dito, mahigpit na inirekomendang PHIVOLCS ang ibayong pag-iingat ng publiko na nakatira sa tabi ng mga ilog sa Southern Kanlaon.
Pinapayuhan din ang local government units (LGUs) na gumawa ng pre-emptive response measures kapag nararanasan na ang malalakas na ulan.