BANTA NG PANGULO | Mga bisitang banyaga ng mga kaliwang grupo, hindi na papayagang pumasok sa Pilipinas

Manila, Philippines – Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga makakaliwang grupo na huwag nang mag-imbita ng mga dayuhan sa bansa para magsalita o bumatikos kaugnay sa isyu ng human rights.

Sinabi ni Pangulong Duterte, kapag pumasok sa bansa ang mga dayuhan ng panakaw o palihim, kanya itong ipaaresto.

Ayon pa kay Pangulong Duterte, kung pupunta man dito sa bansa ang mga dayuhan, dapat na ayusin ang pagbibigay ng mga puna o talumpati sa isyu ng human rights.


Hinamon pa ni Duterte – dapat na tumakbong presidente na lamang ang mga makakaliwang grupo para magkaroon ng kapangyarihan kung sino sa mga dayuhan ang husto nilang papasukin o palabasin ng bansa.

Giit ng Pangulo – hindi niya hahayaan na siraan ng mga ito ang Pilipinas.

Facebook Comments