Banta ng Pangulo na pagpapakalat ng militar para sa mahigpit na implementasyon ng ECQ, hindi maituturing na Martial Law

Ipinagtanggol nina Senate President Vicente “Tito” Sotto III at Senator Panfilo “Ping” Lacson ang banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagpapakalat ng mga sundalo para matiyak ang mahigpit na pagpapatupad ng Enhance Community Quarantine o ECQ.

Diin ni Sotto, walang mangyayaring Martial Law, wala naman deklarasyon ang Pangulo.

Pabor din si Sotto na gamitin ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kung ito ang kailangan para mailigtas ang mamamayan laban sa COVID-19.


Tiwala naman si Lacson na hindi intensyon ni Pangulong Duterte na magpatupad ng Martial Law ngayong may COVID-19 health crisis.

Naniniwala si Lacson na ang banta ng Pangulo ay pagbibigay diin lang sa kahalagahan ng disiplina dahil madaming matitigas ang ulo ang hindi sumusunod sa ECQ.

Dagdag pa ni Lacson, kilala naman ang Pangulo na exagerrated magsalita dahil sa frustration sa patuloy na tumataas na bilang ng nagpopositibo sa COVID-19.

Paliwanag ni Lacson, ang Philippine National Police (PNP) pa rin ang mangunguna sa pagpapatupad ng ECQ at nakasuporta ang AFP.

Facebook Comments