Banta ng Pangulo sa VFA, inaasahang magpapatigil sa pakikialam ng US sa ating Justice System

Suportado ni Senate President Tito Sotto III ang banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagbasura sa Visitang Force Agreement o VFA sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Ugat ng banta ang sakaling hindi pag-ayos ng us government sa loob ng isang buwan sa kinanselang visa ni Senator Ronald Bato Dela Rosa.

Umaasa si Sotto na ang banta ni Pangulongs Duterte ay magsisilbing panggising para pag-isipan ng America ang maling pananaw nito sa ating justice system.


Diin ni Sotto, sobra na ang pakikisawsaw ng amerika sa ating bansa lalo na sa ating kampanya laban sa ilegal na droga.

Ayon kay Sotto, marahil ay hindi kasi maresolba ng us ang sarili nilang problema sa ilegal na droga.

Facebook Comments