Banta ng terorismo sa Maynila, itinanggi ng Manila Police District

Manila, Philippines – Pinabulaanan ng Manila Police District (MPD) na mayroong banta ng terorismo sa Maynila.

Ito ay kasunod ng pagpapalabas ng bansang Australia at united Kingdom (UK) ng travel advisory sa kanilang mga kababayan.

Ayon kay MPD spokesperson police, Supt. Erwin Margarejo – wala pa silang natatanggap na report na may banta ng terorismo sa Metro Manila.


Sa kabila nito, paiigtingin pa rin ng PNP ang kanilang intelligence monitoring lalo na sa mga pampublikong lugar at tourist spots sa Maynila.

Facebook Comments