Manila, Philippines – Kinumpirma ni PNP Chief Dir. Gen. Ronald Bato Dela Rosa na mayroong pagbabanta ng terorismo sa iba pang lugar sa Mindanao.
Ito ay matapos na ianunsyo mismo ng pangulong rodrigo duterte na may terror threat sa labas ng Marawi City o sa ilang lugar sa Mindanao.
Ayon kay Dela Rosa, mismong ang mga naiipit na miyembro ng teroristang grupong maute sa Marawi City ang nag-utos sa ISIS inspired groups ng Abu Sayyaf na magsagawa ng pag-atake upang maging makagalawa ng maayos ang mga naiipit na Maute Members sa Maraawi City.
Sa ngayon, nanawagan si PNP Chief sa publiko na maging mapagmatyag sa paligid upang mapigilan ang panggugulo ng mga terorista.
Nanatili naman daw alerto ang pulisya at militar lalo’t nanatiling umiiral ang martial law sa Mindanao kaya wala aniyang dapat na ipangamba ang publiko.