Manila, Philippines – Normal o pangkaraniwan lang daw namayroong banta ng terorismo sa lalawigan ng Palawan dahil sa magkakasunod na pagkaka-aresto ng mga otoridad sa ilangmiyembro ng terorrist groups.
Ito ang reaksyon ni Police Superintendent Gabriel Lopez,Palawan PNP Provincial director ng Palawan Philippine National Police(PNP) makaraang maglabas ng travel advisory ang EstadosUnidos at ang United Kingdom sa Palawan.
Ayon kay Lopez, dahil normal na lamang ang banta ngterorismo sa lalawigan, laging naka-alerto ang Palawan PNP pati na ang mgatauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Sa ngayon nakakalat ang mga tourist police na nagbabantay sa mga turista atmagmamamasid sa mga kahina-hinalang mga tao sa lugar.
Mayroon ding pwersa ng pulisya sa mga beach partikular naang floating assets ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Navy.
Katuwang din ngPNP sa pagpapanatili ng kapayapaan ang 3rd marine brigade na may kasamang 4thmarine at 12th marine battalion ng Phil. Marines.
Dahil dito walangdapat na ikabahala o ikatakot ang mga turista sa Palawan at sa mga nais pangpumunta sa palawan ang isa sa kilalang tourist destination sa bansa.
Banta ng terorismo sa Palawan, normal lang ayon sa PNP
Facebook Comments