Banta ng terorismo sa panahon ng pandemya, muling binigyan diin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa UN General Assembly; Hindi pagdedeklara ng holiday truce, ikino-konsidera

Nagpaalala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga lider ng ibang bansa na kailangan ding tugunan ng mundo ang mga banta sa kapayapaan at seguridad na pinalala ng COVID-19 pandemic.

Sa recorded na talumpati ng Pangulong Duterte sa espesyal na sesyon ng United Nations General Assembly tungkol sa pandemya ngayong araw, binigyan diin ng Pangulo na sina-samantala ng mga kalaban ng gobyerno ang kahirapang dulot ng pandemya.

Ayon kay Duterte, bagama’t suportado ng Pilipinas ang panawagan ni UN Secretary General Antonio Guterres na tigil-putukan habang may pandemya, patuloy naman ang mga rebelde sa pag-atake sa mga sundalong nagsasagawa ng humanitarian mission.


Ikino-kunsidera ng Pangulo ang rekomendasyon ng militar na huwag magdeklara ang pamahalaan ng tigil-putukan sa mga komunistang rebelde ngayong kapaskuhan.

Sa interview ng RMN Manila kay Government Peace Panel Chief at Labor Sec. Silvestre Bello III, batay sa pagtataya ng militar sa mga nakalipas na taon, kahit nagdedeklara ng holiday truce ang pamahalaan, patuloy pa rin ang New People’s Army at armed wing ng Communist Party of the Philippines sa pagsasagawa ng mga karahasan.

Matatandaan, noong nakaraang taon, parehong nagdeklara ng ceasefire ang gobyerno at communist group sa kasagsagan ng holiday season mula December 23, 2019 hanggang January 7, 2020.

Facebook Comments