Banta ni Chinese President Xi Jingping tungkol sa pagsusulong ng Pilipinas ng Oil Drills sa West Philippines Sea, payong kaibigan lamang – Malacañang

Iginiit ng Malacañang na hindi tinakot ni Chinese President Xi Jinping si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay makaraang sabihin ng pangulo noong Huwebes na binantaan siya ni Pres. Xi na magkakaroon ng gulo kapag iginiit ng Pilipinas ang Oil Exploration sa West Philippine Sea.

Sabi ni Pangulong Duterte, ayaw ni Pres. Xi na pag-usapan ang tungkol sa langis lalo’t kababalik lang ng kanilang pagkakaibigan sa halip ay pag-usapan nila ang mga bagay na maaari nitong itulong sa bansa.


Para kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nagbibigay lang ng payo si Pres. Xi na tinawag nitong ‘great admirer’ ni Pangulong Duterte.

Itinanggi rin ni Panelo na dinidiktahan ng Chinese President ang Pilipinas.

Facebook Comments