Minaliit lamang ni Interior Secretary Eduardo Año ang banta ni Cpp Founding Chairman Jose Maria Sison na paglulunsad ng NPA ng lethal blows” sa mga bulnerableng lugar sa kanayunan bilang pagpaparusa umano sa Duterte administration.
Sa kaniyang pagsagot sa tanong ng DZXL RMN Manila, sinabi ni Año na malayo na sa reyalidad ang mga pinagsasabi ni Sison.
Kumpiyansa si Año na matatapos ang suliranin ng insurgency sa loob ng dalawang taon o bago magtapos ang termino ni Pangulong Duterte.
Aniya, mas lumakas pa ang pagsuporta ng publiko sa gobyerno matapos na kanselahin ng pangulo ang peace talks
Patunay aniya rito ang nasa 1,600 na miyembro at sympathizers ng npa na nagbalik loob na sa gobyerno .
Malaking dagok din sa rebeldeng grupo ang pagka aresto ng mga matataas na lider ng CPP-NPA -NDF.
Tinukoy niya ang rebel priest na si Frank Fernandez na tagapagsalita ng NDFP-Negros at ang lider ng Metro Manila party committee na si Renante Gamara.