Banta ni Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano na iakyat sa ICC ang impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte, minaliit ni House Speaker Alvarez

Manila, Philippines – Minaliit lang ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang banta ni Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano na iakyat sa International Criminal Court (ICC) ang kanyang impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte matapos itong ibasura ng House Committee on Justice.

Ayon kay Alvarez, hindi maaaring magpagamit ang kamara sa sinumang nagbabalak na sirain si Duterte lalo na kung wala namang basehan reklamo.

Aniya, mas mainam na sa mental hospital na lang siya dumulog.


Tila pinatutsadahan rin ni Alvarez si Alejano nang tanungin siya kung i-eendorso niya ang impeachment complain laban kina Vice President Leni Robredo at Ombudsman Conchita Carpio Morales.

Samantala, binuweltahan naman ni Albay Rep. Edcel Lagman ang mayorya sa hindi pagbibigay ng due process kay Alejano.

Aniya, halata namang brinaso ng supermajority si Alejano para hindi na ito makapagpaliwanag at hindi rin nasunod ang dapat na proseso sa impeachment complaint.

DZXL558

Facebook Comments