Manila, Philippines – Para kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, isang matibay na argumento ang banta ni Moro National Liberation Front o MNLF founding Chairman Nur Misuari para hindi na ituloy pa ang federalism.
Ang tinutukoy ni Drilon ay ang bantang giyera ni Misuari kapag hindi naisakatuparan ang isinusulong ng administrasyon na pagpapalit sa kasalukuyang porma ng gobyerno sa federalism.
Diin ni Drilon, hindi dapat pinapayagan ang sinuman na magbanta sa republika kapag hindi napagbigyan ng gobyerno ang kanyang kagustuhan.
Nauna ng sinabi ni Senate President Tito Sotto III na dapat alamin kung may nalabag na batas si Misuari sa ginawa nitong pananakot o pagbabanta ng giyera.
Facebook Comments