Banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipapakulong ang mga kritiko, pinalagan

Binatikos ng ilang mambabatas at mga Law Expert ang bantang kulong si Pangulong Rodrigo Duterte sa sinumang magsasampa ng impeachment complaint laban sa kanya.

Ayon kay Ateneo School of Government Prof. Lutgardo Barbo, karapatan ng bawat Pilipino na maghain ng impeachement complaint.

Gayunman, tingin niya ay nagbibiro lang ang pangulo pero kung seryoso dapat aniya ay may arrest warrant muna ang korte bago magpaaresto.


Sinegundahan naman ito ng dekano ng Lyceum College of Law na si Maria Soledad Mawis.

Ayon naman kay Act Teacher Rep. Antonio Tinio, hindi malabong totohanin ni Pangulong Duterte ang banta.

Tingin din niya, alam ng pangulo na nilalabag nito ang konstitusyon sa pagpayag sa mga Tsinong mangisda sa loob ng EEZ ng bansa.

Giit naman ni Sen. Kiko Pangilinan, hindi krimen ang pagsasampa ng impeachment case laban sa pangulo at walang basehan ang bantang pagpapakulong nito.

Pero para kay Sen. Ping Lacson, alam ng pangulo na hindi niya ito pwedeng gawin.

Facebook Comments