Banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na pag-okopa sa mga lupain ng mga oligarchs sa bansa, seryoso ayon sa Malakanyang

Manila, Philippines – Seryososi Pangulong Duterte sa kanyang banta sa mga oligarchs na hindi nagbabayad ngbuwis na kakamkamin ang kanilang mga lupain para ipamigay sa mahihirap.
 
Ito ang sinabi ni PresidentialSpokesman Ernesto Abella kaugnay ng naging pahayag ng pangulo na uutusan niyaang sambayanang filipino na okupahan ang mga lupaing pag-aari ng mga ito.
 
Paliwanag pa ni Abella,nagbigay lamang ng babala ang pangulo sa mga tax evaders at tax cheaters.
  
Una nang binatikos ni Duterteang mga oligarchs sa kanyang Labor Day message mula sa Davao City dahil sahindi pagbabayad ng tamang buwis sa gobyerno.

Facebook Comments