Banta ni VP Sara na paghukay sa labi ni dating Pangulong Marcos Sr., kinondena ng dalawang lider ng Kamara

Screenshot from Office of the Vice President of the Philippines/Facebook

Mariing kinondena nina House Assistant Majority Leader at Lanao del Sur, 1st District Representative Zia Alonto Adiong at 1-Rider Party-list Representative Rodge Gutierrez ang banta ni Vice President Sara Duterte na huhukayin ang labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., at itatapon sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Representative Adiong, ipinapakita nito na isang desperadang bastos si VP Sara na nagpipilit matakpan ang isyu ng mali nitong paggamit sa pondo ng taumbayan.

Sabi in Adiong, ang marapat gawin ni VP Sara ay sagutin ang mga alegasyon laban sa kaniya sa halip na gumawa ng mga kahiya-hiyang aksyon na maituturing ding pag-atake sa ating cultural values.


Sabi naman ni Congressman Gutierez, kahit anong gawin ni VP Sara ay hindi nito mapapagtakpan ang mga kinakaharap na kontrobersya ukol sa kwestyunableng paggamit sa pondo ng kaniyang tanggapan at ng Department of Education (DepEd) lalo na ang hinggil sa confidential funds.

Facebook Comments