Manila, Philippines – Inirekomenda ng Environment Management Bureau (EMB) na kanselahin ang Environment Compliance Certificates (ECC) ng nasa 33 kumpanya na nagsasagawa ng quarry operations sa San Mateo at Rodriguez, Rizal.
Ito ay kasunod ng utos ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu pa suspendehin ang lahat ng quarrying activities sa dalawang bayan.
Ayon ay EMB Region 4-A Director Noemi A. Paranada, ang ECC cancellation ay sakop ang lahat ng quarrying companies, kabilang ang large-scale mining firms tulad ng Viba Quarry and Aggregates and Marketing at ang Montralban Millex Aggregates Corporation.
Nabatid na kinonsulta ni Special Assitant to the President Bong Go si Cimatu hinggil sa nararanasang pagbaha sa Marikina at iba pang mabababang lugar sa Taytay, Rizal.