Manila, Philippines – Nais ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na ipagbawal ang open-pit mining sa bansa.
Ito ay alinsunod na rin sa kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Arroyo – nais niyang idagdag ang definition ng open-pit mining bilang paglabag sa DENR Administrative Order 2018-2019.
Nais din ni Arroyo na magpataw ng excise tax sa mga ito hanggang sa maisaayos na nila ang kanilang operasyon na naaayon sa batas.
Dapat ding magbayad ng royalty ang lahat ng mining firms.
Facebook Comments