BANTA SA KALUSUGAN NG NARARANASANG PABAG-BAGONG PANAHON, IKINABABAHALA NG ILANG MGA MAGULANG SA DAGUPAN CITY

Ikinababahala ng mga magulang ng mga mag-aaral sa elementary level sa Dagupan City ang banta sa kalusugan na naidudulot ng nararanasang pabago-bagong panahon ngayon.
Sa kasalukuyan, o bandang hapon ay nararanasan ang pag-ulan bagamat pagsapit ng umaga ay tirik na tirik umano ang araw na nagdudulot ng maalinsangang panahon.
Ilan sa mga anak ng mga ito ay nakararanas na ng sipon at pag-ubo maging ang kaso ng sore eyes na nakitaan ng pagdami lalo na ng mga nakaraang araw.

Alinsunod dito, nagpaalala ang pamunuan ng pinapasukang paaralan na kung maaari ay pagsuotin ang mga anak ng face mask upang hindi madali ang maging hawaan ng mga mag-aaral sa loob ng kanilang silid aralan.
Ilang mga magulang din ay tinitiyak umano na kumpleto ang kanilang mga panangga o pamproteksyon laban sa mainit man o maulan na panahon upang maiiwas ang mga anak sa mga bantang maaaring idulot nito sa kanilang kalusugan. |ifmnews
Facebook Comments