Bantag, dinepensahan ang mga nakumpiskang alak at swimming pool project sa loob ng NBP

Dinepensahan ni suspended Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag ang mga nakumpiskang alak sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).

Ito ay kasunod ng pagkakasamsam ng higit 12,000 piraso ng assorted items na boluntaryong isinuko ng mga persons deprived of liberty (PDLs).

Paliwanag ni Bantag, ang mga naturang kontrabando ay mga recycled na, kung saan ito umano ang kanilang nakumpiska sa mga nakaraang operasyon.


Samantala, dinepensahan din ni Bantag ang nadiskubreng swimming pool project sa NBP.

Ayon kay Bantag, ang nasabing proyekto ay para sa disaster response training ng kanilang ahensya na pwedeng magamit sa mga kalamidad.

Sa ngayon, patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad hinggil sa mga nasabat na alak at sa swimming pool project sa loob ng NBP.

Facebook Comments