Friday, February 20, 2026

Bantag, hindi pa nakakalabas ng bansa —BI

Hindi pa nakakalabas ng bansa si dating Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag.

Sa gitna ito ng patuloy na pagtugis sa dating opisyal na itinuturong mastermind umano sa pagpaslang sa mamamahayag na si Percy Lapid noong October 2022.

Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Spokesperson Dana Sandoval, walang record ng paglabas ng bansa si Bantag.

Nauna nang ipinag-utos ng Department of Justice (DOJ) sa BI na ilagay ang dating BuCor chief sa Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) at may Hold Departure Order (HDO) na rin laban sa kaniya mula sa Muntinlupa City Regional Trial Court noong 2023.

Nahaharap si Bantag sa kasong murder sa Las Piñas RTC pero naka-archive muna ito hangga’t hindi lumulutang ang dating opisyal.

Ngayong Biyernes nang sabihin ng PNP-Cordillera na wala silang impormasyon sa kinaroonan ni Bantag na itinuturing ngayon bilang pugante.

Facebook Comments