Nasa listahan na ng hold departure ng Bureau of Immigration sina dating Bureau of Corrections Chief Gerald Bantag at dating bucor deputy officer ricardo zulueta.
Martes, April 25 nang magpalabas ng Hold Departure Order ang Muntinlupa Regional Trial Court upang pigilang makalabas ng bansa sina Bantag at Zulueta na sinasabing pasimuno sa pagpatay sa brodkaster na si Percy Lapid at umano’y middleman sa krimen na si Jun Villamor.
Sabi ni BI Commissioner Norman Tansingco, agad na naipasok ang HDO sa centralized system at makikita ito ng kanilang tauhan sa lahat ng mga paliparan sa bansa.
Nauna nang nakapagpalabas ng arrest warrant laban kina Bantag at Zulueta.
Sinabi rin ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla na nagpahayag na si Bantag ng kahandaang sumuko pero hindi pa rin siya lumulutang hanggang ngayon.