Manila, Philippines – Posibleng bumaba uli sa bantamweight si Nonito “The Filipino Flash” Donaire Jr. dahil hindi daw ito angkop sa featherweight division.
Ayon sa promoter nitong si Richard Schaefer ng Ringstar Sports, kulang ang lakas ni Nonito kung saan sa featherweight ito lalaban kaya at mas nanaisin nila na bumalik ito sa bantamweight para muling makakuha ng kampeonato.
Pinag-iisipan rin ng promoter kung ilalaban si Nonito sa French boxer na si Nordine Oubaali matapos ang laban nito sa Thai challenger na si Tassana Sanpattan.
Matatandaan na noong Abril ay nakalasap ng 12-round decision loss si Donaire kay Carl Frampton sa laban na isinagawa sa Northern Ireland.
Facebook Comments