Manila, Philippines – Iginiit ni Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na dapat magsumbong ang Pilipinas sa United Nations dahil sa pagbabanta ng giyera ng China.
Ayon kay Carpio – dapat sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS ang banta ng China.
‘Yan aniya kung itutuloy ng Pilipinas ang planong maghukay ng langis sa West Philippines Sea.
Dagdag pa ni Carpio – pwede ring magreport ang Pilipinas sa general assembly para ikondena ang pagbabanta ng China.
Sa interview naman ng RMN kay dating National Security Adviser Roilo Golez – dapat mismo si Pangulong Duterte ang manguna sa pagdulog nito sa UN.
Naniniwala rin si Golez na pananakot lamang ang binitawang pahayag ni Pres. Xi Jinping.
Ayon kay Chinese Spokesperson Hua Chunying – inaasahan nilang mapapanatili ng dalawang bansa ang magandang relasyon.
Sa ngayon, wala pa aniya silang opisyal na pahayag kaugnay sa sinabi ni Pres. Xi kay Pangulong Duterte.
DZXL558