Manila, Philippines – Nilinaw ng kampo ni Moro National Liberation Front o MNLF founding chairman Nur Misuari na maghasik ng kaguluhan.
Ito ay matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagbanta si Misuari na magdedeklara ng giyera sa gobyerno kapag hindi naipatupad ang pederalismo.
Ayon kay Atty. Emmanuel Fontanilla, abugado at tagapagsalita ng MNLF, nilabas lang ni Misuari ang kaniyang sentimyento sa naantalang pangako ng mga nagdaang administrasyon.
Aniya, sa katunayan kapayapaan at katahimikan ang hangad ni Misuari kaya nais nito ang Federal Form of Government.
Facebook Comments