Manila, Philippines – Minaliit lang ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang banta ni Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano na iakyat sa International Criminal Court (ICC) ang kanyang impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte matapos itong ibasura ng house committee on justice.
Ayon kay Alvarez, hindi maaaring magpagamit ang Kamara sa sinumang nagbabalak na sirain si Duterte lalo na kung wala namang basehan reklamo.
Aniya, mas mainam na sa mental hospital na lang siya dumulog.
Tila pinatutsadahan rin ni Alvarez si Alejano nang tanungin siya kung i-eendorso niya ang impeachment complain laban kina Vice President Leni Robredo at Ombudsman Conchita Carpio Morales.
DZXL558
Facebook Comments