Bantang impeachment, posibleng kaharapin ni VP Robredo

Nagbanta ng impeachment laban kay Vice President Leni Robredo ang kampo ni Peter Joemel Advincula alyas ‘Bikoy.’

Ayon kay Atty. Larry Gadon, abogado ni Bikoy – inaakusahan nila si Robredo, dating Senator Antonio Trillanes IV, at iba pang miyembro ng oposisyon na may balak patalsikin si Pangulong Rodrigo Duterte.

Para kay Atty. Barry Gutierrez, abogado ni Robredo – malinaw na pamumulitika ang isinampang kasong sedition laban sa bise presidente at iba pang taga-oposisyon.


Kinuwestyon din ng kampo ni Robredo ang hindi kapani-paniwalang affidavit ni Bikoy na ilang beses nang nagpabago-bago ng salaysay.

Dumistansya naman si Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa magiging hakbang ni Gadon.

Handang harapin ng kampo ni Robredo ang anumang kaso.

Facebook Comments