Bantang no election dahil sa planong reenacted budget ng Senado, ibinabala ng mga taga-minorya

Manila, Philippines – Nagbabala ang Minority Bloc sa Kamara na malaki ang posibilidad ng No-Election ngayong Mayo kung ipipilit ng Senado ang reenacted budget at kung hindi maaprubahan ang P3.757 Trillion 2019 budget.

Ayon kay COOP NATCO Rep. Anthony Bravo, sa ilalim ng reenacted budget, walang nakalaang budget sa eleksyon noong taong 2018.

Paliwanag nito, hindi naman magiging sapat kung mayroong savings ang COMELEC na magamit sa pagpapatakbo ng halalan.


Bukod pa anya ito sa limitasyon sa paggamit ng savings matapos ang naging desisyon dito ng Supreme Court.

Sinabi pa nito na kung igigiit naman na magpasa ng supplemental budget para sa eleksyon ay malabo ito dahil ang General Appropriations Bill nga ay hirap na maipasa ng Kongreso.

Facebook Comments