Bantang “No Vaccine, No VFA” ni Pangulong Rodrigo Duterte, binatikos!

Binanatan ni Senador Richard Gordon ang bantang “No Vaccine, No VFA” ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Amerika.

Ayon kay Gordon, hindi pwedeng isangkalan ng pamahalaan ang bakuna para sa renewal ng Visiting Forces Agreement (VFA).

Tanging national interest lamang ang dapat na maging konsiderasyon sa VFA.


Para kay Gordon, ang nasabing banta ng Pangulo ay “totally inappropriate”.

Nakapagpapababa rin aniya ito ng dignidad ng Pilipinas.

Facebook Comments