Bantang pagbuwag sa Court of Appeals, hindi papahintulutan ni Senator Drilon

Manila, Philippines – Tiniyak ni Senate Minority Leader Senator Franklin Drilon na hindi niya palulusutin ang anumang panukala na buwagin ang Court of Appeals o CA.

Tugon ito ni Senator Drilon sa banta ni House Speaker Pantaleon Alvarez na pagbuwag sa CA.

Kasunod ito ng desisyon na inilabas ng isang division ng CA na nagaatas sa House of Representatives na palayain ang anim na empleyado ng Ilocos Norte provincial government na nakaditine sa kamara.


Giit ni Senator Drilon, makakaapekto sa buong judicial system kung itutuloy ni Alvarez ang bantang pagpapabuwag sa CA.

Bunsod nito ay pinayuhan ni Drilon si Alvarez na gamitin ang ibang legal remedy at sumunod sa judicial process sa halip na isulong ang paglusaw sa CA.

Paliwanag ni Drilon, anumang hindi pagkakasudo ng CA at kamara ay maaring ayusin ng Supreme Court.

Ikinatwiran pa ni Drilon na hindi dapat idamay ni Alvarez ang kabuuan ng Court of Appeals bilang isang institusyon sa naging pasya ng isa sa mga dibisyon nito.

“However, it is not right to use the powers of Congress against the CA or any institution just because we do not agree with their decision. We may run out of courts if that were so,” ayon kay Sen. Drilon.

Facebook Comments