Bantang pagveto ni Pangulong Duterte sa 2019 budget, suportado ng liderato ng senado

158

Buo ang suporta ni Senate President Tito Sotto III sa banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na iveto ang 2019 budget dahil sa bangayan Senado at Kamara dahil sa isyu ng pork barrel.

 

Sa katunayan, ayon kay Sotto, ito ang orihinal niyang mungkahi para hindi mapakinabangan ang umano’y mga pork barrel na nakasiksik sa 2019 budget.


 

Ayon sa senado, nagsagawa ng ilegal na realignment ang kamara sa 2019 budget matapos itong makalusot sa bicameal conference committee at maratipikahan.

 

Paliwanag ni Sotto, sa paggamit ng reenacted budget ay mabubura ang pork barrel.

 

Sabi ni Sotto, pwede naman silang magpasa ng panibagong pambansang budget sa susunod na kongreso.

Facebook Comments

From Advertisers