Manila, Philippines – Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na idinahilan nila sa kanilang rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte ng extension ng Martial Law sa Mindanao ay ang karahasan na dulot ng New People’s Army (NPA) sa Eastern Mindanao at ang recruitment ng Islamic State of Iraq and the Levant (ISIS) sa rehiyon.
Sa briefing sa Malacañang ay sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesman Major General Restituto Padilla, sa ngayon ay malakas ang recruitment ng Islamic State of Iraq and the Levant (ISIS) sa Mindanao habang patuloy ang pag-atake ng sa tropa ng pamahalaan.
Paliwanag ni Padilla, inaasahan na nila ang mas malakas na opensiba ng New People’s Army (NPA) matapos ideklara ni Pangulong Duterte na isang teroristang grupo.
Target aniya ng mga terorista ay ang mga naiwasang anak ng mga mamatay nilang moyembro sa Marawi siege bukod pa sa malaking halaga na inaalok ng mga ito.
Kabilang din aniya sa kanilang dahilan ng kanilang rekomendasyon ay ang Abu Sayyaf.
Ginagawa din aniya nila ang lahat para matiyak na hindi na muling makaporma ang Islamic State of Iraq and the Levant (ISIS) at ang karahasan ng New People’s Army (NPA).