Manila, Philippines – Labag at walang basehan sa konstitusyon ang banta ni Pangulong Duterte na pagbuo ng revolutionary government.
Paliwanag ni Albay Rep. Edcel Lagman, ang revolutionary government ay resulta ng matagumpay na pag-aalsa ng mga tao para patalsikin ang nakaupong Presidente at kanyang mga tagasunod tulad na lamang ng nangyari noon sa EDSA People Power revolution.
Wala aniyang nalalagay na ganito sa Saligang batas para manatili o tumagal sa kapangyarihan ang kasalukuyang nakaluklok na Pangulo at wala ding ganito para labanan ang mga pinaniniwalaang kalaban ng estado.
Ayon kay Lagman, imahinasyon lamang ng Pangulo ang destabilization plot dahil wala naman talagang pagtatangka dito mula sa mga makakaliwa o kahit pa sa hanay ng oposisyon.
Iginiit ng kongresista na ang nangyayari ngayon ay mga protesta lamang bilang pagtutol sa aniya’y pagsira ng Pangulo sa constitutional bodies.