Manila, Philippines – Kinumpirma ng Philippine National Police na mayroong banta ng terorismo sa ilan pang lugar sa Mindanao.
Ito’y matapos i-anunsyo ni Pangulong Duterte na may nagpaplano ng pag-atake sa labas ng Marawi City.
Sabi ni PNP Chief Ronald dela Rosa, hinihikayat ng mga miyembro ng Maute ang kasamahan nila sa labas ng marawi na magsagawa ng mga pag-atake para makagalaw sila ng maayos sa siyudad.
Kaugnay nito, nanawagan si dela Rosa sa mga taga-Mindanao na magingmapagmatiyag.
Wala din naman daw dapat ikabahala ang publiko dahil nananatiling nakaalerto ang pulisya at militar dahil na rin sa umiiral na martial law sa rehiyon.
Facebook Comments