CAPIZ – Kinansela ng Philippine Coast Guard Roxas ang lahat ng byahe nga mga sakayang pandagat sa lalawigan ng Capiz dahil sa sama ng panahong dala ng Bagyong Ompong. Kanselado rin ang biyahe mula Roxas patungong Romblon, Masbate at Metro Manila. Nagbigay naman ng abiso ang PCG sa mga mangingisda na iwasan munang pumala-ot dahil sa malakas na hangin at malalaking alon.
Nagkansela na rin ng pasok sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan kaninang umaga ang limang bayan sa Capiz na kinabibilangan ng Ivisan, Pontevedra, Maayon, Pilar at President Roxas. Una nang nagpalabas ng suspension of classes sa lahat ng antas ang lungsod ng Roxas kahapon ng hapon.
Samantala, bumisita ngayong araw si Director Jose Roberto *Nuñez* ng Office of Civil Defense Regional Office 6 sa lalawigan ng Capiz upang alamin ang ginagawang paghahanda ng Capiz PDRRMO at mga local government units sa magiging epekto at pinsalang dulot ng Bayong Ompong. Pinaghahandaan ngayon ng mga LGU ang malawakang pagbaha kung sakaling bumuhos ang malakas na pag-ulan sa lalawigan dahil sa bagyo.
BANTAY BAGYO | Biyahe ng mga sasakyang pandagat sa Capiz, kinansela dahil sa Bagyong Ompong
Facebook Comments