Fully operational na ang communications system ng Office of Civil Defense (OCD) at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) matapos na pansamantalang mawala sa kasagsagan ng bagyong Ompong.
Sinabi ni Office of Civil Defense Director Ruben Carandang, nakakatanggap na sila ngayon ang mga reports mula sa iba’t-iba nilang field units sa mga lugar na dinaanan ng bagyo.
Sa ngayon aniya isa lang ang reported casualty at ito ay kinilalang si Dresden Golidan y Abando ng Purok 3, Badihoy, Guisad Surong Baguio City na nasaktan nang gumuho ang alulod ng kanyang bahay.
Sinabi ni Carandang na maaring mamayang hapon ay mayroon na silang mas kumpletong pagtaya ng kapinsalaan na dulot ng bagyong Ompong.
Kaninang umaga aniya ay naputol kanilang komunikasyon sa kanilang field unit kaya tanghali na bago na nakakuha ng mga inisyal na assessment ng epekto ng pag-landfall ng bagyong Ompong.
Una nang ipinaliwanag ni NDRRMC Spokesperson Edgar Posadas na ito ay dahil sadyang ibinaba muna nila ang kanilang mga communications antenna sa mga lugar na dinaanan ng bagyo para hindi masira.