BANTAY-BAGYO | DOE, handa na sa pagpasok ng bagyong Ompong

Kasunod nang inaasahang epekto ng typhoon Ompong sa bansa sinimulan na ng Department of Energy (DOE) ang kanilang contingency measures at response mechanisms upang maging bahagya o maliit lamang ang epekto nito sa energy infrastructure.

Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi inatasan na niya ang energy industry players na i-secure ang kaligtasan ng kanilang mga personnel, kanilang mga pasilidad maging ang sapat na suplay ng kuryente at langis.

Sinabi pa ni Cusi na inalerto na ng ahensya ang mga industry players na direktang maaapektuhan ng bagyo na palagiang i-monitor ang sitwasyon sa kanilang respective areas of responsibility.


Pinayuhan din nito na sundin ang lahat ng precautionary measures at sundin ang pinaiiral na safety protocols, contingency at action plans sa paghagupit ng typhoon Ompong.

Facebook Comments