BANTAY BAGYO | EPD disaster incident team tutok sa mga lugar na madaling bahain

19

Mahigpit at patuloy na sinusubaybayan ng EPD Disaster Incident Management Task Group ang mga update sa sitwasyon sa pananalasa ng bagyong “Ompong” sa EPD Conference Room bilang Situation Monitoring Room (SMR).

Ayon sa task group mayroon 39 Evacuation centers sa apat na lungsod na nasasakupan ng Eastern Police District (EPD).

Pasig – 3 evacuation center
Mandaluyong – 13 evacuation center
Marikina – 20 evacuation center
San Juan – 3 evacuation center
Total (39 Evacuation centers)

Sa H. Bautista Elementary School naman dinala ang malaking bilang ng evacuees mula sa gilid ng Marikina River.

Ang Team ng Philippine Coast Guard ay mahigpit at patuloy na sinusubaybayan ang mga updates sa sitwasyon sa Marikina River.

Ang 5 man team ay pinangunahan ni Captain Martin Dadivas III ng Philippine Coast Guard Auxiliary.

Facebook Comments