BANTAY-BAGYO | Hurricane Michael, tutumbukin ang Florida at inaasahang lalakas sa category 3

Inaasahang lalakas sa category 3 ang hurricane Michael bago tumama ng Florida.

Mayroon na itong lakas ng hanging nasa 175 kilometers per hour at nagdudulot na ito ng malakas na pag-ulan at pagbaha sa coastal areas.

Aabot sa libu-libong residente at turista mula sa halos 20 counties ang inilikas habang nagdeklara na rin ng state of emergency sa 35 counties.


Nagdulot na ang bagyo ng pagkaantala ng U.S. Oil production.

Aabot sa 2,500 national guard soldiers ang rumeresponde habang may stand by ng higit 4,000 tropa.

Nasa 13,000 utility restoration workers ang naka-stand by.

Facebook Comments