Upang hindi na maulit ang nangyaring landslide noong Setyembre sa pananalasa ng bagyong Ompong, ikinasa na ngayon ng lokal na pamahalaan ng Itogon, Benguet ang pre-emptive evacuation sa mga residente.
Kasunod na rin ito ng inaasahang pagtama sa Luzon ni bagyong Rosita.
Sa interview ng RMN Manila kay Itogon, Benguet Mayor Victorio Palangdan, Sabado pa ng itaas sa red alert status ang probinsya upang paghandaan ang posibleng maging epekto ng bagyo.
Partikular na isinagawa ang pre-emptive evacuation aniya sa Barangay Ucab at Loacan na tinamaan din ng bagyong Ompong noong nakaraang buwan kung saan mahigit sa isang daan ang namatay sa landslide.
Sa ngayon ay aabot na sa mahigit isang libong residente ang nasa pitong evacuation center sa Itogon.
Facebook Comments