BANTAY BAGYO | Libu-libong pasahero at mga sasakyang pandagat, stranded – PCG

Inihayag ng Philippine Coast Guard (PCG) na may kabuuang 8,688 pasahero; 1,250 rolling cargoes; 206 mga sasakyang pandagat at 48 bangkang de motor ang stranded ngayon sa iba’t ibang pantalan sa buong bansa dahil sa bagyong Samuel.

Ayon kay Philippine Coast Guard Spokesman Captain Armand Balilo ang naturang report ay batay sa nakalap na update alas-4 ngayong umaga mula sa mga Coast Guard Station sa mga rehiyon na ngayon ay binabagyo.

Sa bilang na ito ang stranded sa:
National Capital Region-Central Luzon – 661 na pasahero; 2 vessels
Central Visayas – 1,913 pasahero; 184 rolling cargoes; 66 na vessels at 9 na bangkang de motor.
Palawan, isang rolling cargoes at 6 na vessels.
Southern Tagalog – 707 na pasahero; 25 rolling cargoes; isang barko at isang bangkang de motor.


Western Visayas – 494 na pasahero; 210 na rolling cargoes; 13 vessels at 4 na motor banca
Bicol – 2,197 pasahero; 372 na rolling cargoe; 29 na vessel at 27 na motor bancas
Northern Mindanao- 452 na pasahero; 9 na rolling cargo; 43 vessels at 3 motor bancas
Eastern Visayas – 980 pasahero 266 rolling cargoes; 11 vessels; at 3 motor bancas
Southern Visayas – 1,284 na pasahero; 183 rolling cargoes; 35 vessels at 1 motorbanca.

Ayon kay Balilo, patuloy ang pagbabantay ng PCG sa mga lugar na ngayon ay binabayo ng bagyo.

Facebook Comments